MASKED SINGER PILIPINAS SEASON 3 "TO DA MASKED" ANG HATID NA SAYA AT MISTERYO


Muling nagbabalik ang kapana-panabik na mystery music spectacle ng bawat Pilipino—mas malaki, mas kapansin-pansin, at mas MASKED kaysa dati! Matutunghayan na ang ikatlong season ng Masked Singer Pilipinas na may hatid na mas electrifying na performances, nakakabighaning costumes, nakakagulat na unmasking moments, at isang bagong kombinasyon ng dynamic judges na siguradong magdadala ng matinding kasiyahan sa mga manonood.

Pangungunahan ang all-out musical madness ng multi-talented host na si Billy Crawford nang mas ganado at mas puno ng energy ngayon. Sasamahan siya ng all-star at powerhouse na bagong panel of celebrity judge-detectives na susubukang tukuyin at hulaan ang mga mukha sa likod ng maskara at boses: Nadine Lustre, Janno Gibbs, Arthur Nery, at si Ms. Pops Fernandez. Bilang isang award-winning actress, singer, at pop culture figure, dala ni Nadine Lustre ang kanyang matalas na instinct at malalim na pag-unawa sa mga performances – na siyang nagbibigay sa kanya ng edge sa pag-unmask ng mga stars sa likod ng maskara. Si Janno Gibbs, na may dekada ng karanasan bilang isang singer, aktor, at komedyante, ay gagamit ng kaniyang bihasang tenga sa vocals at matalas na pag-iisip upang tuklasin ang misteryo sa likod ng bawat pagtatanghal. Sunod ay si Arthur Nery, na siyang isa sa pinaka impluwensyal na singer-songwriters sa henerasyon ngayon, ay gagamit ng kaniyang masinsinang pandinig sa tono, damdamin, at vocal nuances upang matukoy ang mga tunay na katauhan sa likod ng maskara. Ang pangkumpleto ng powerhouse panel, walang iba kundi si Pops Fernandez – kilala bilang Concert Queen ng Pilipinas at isa ring music icon – na may malawak na karanasan sa entablado at matalas na intuition upang matuklasan ang mga natatagong talento sa ilalim ng mga maskara.

Ayon kay Sienna G. Olaso, First Vice President at Head of Channels and Content Management ng Cignal, "With Billy’s dynamic hosting and this incredible mix of judges, we know the energy, entertainment, and mystery will be next-level. It’s a dream panel that guarantees an amazing show for everyone."


Sa unang dalawang season, milyun-milyong Pilipino ang nahumaling sa mga pasabog na rebelasyon at saya ng paghuhula kung sino ang nasa likod ng maskara. Ngayon, makalipas ang tatlong taong, handa na ang show na triplehin ang thrill at ihatid sa sambayanang Pilipino ang “MASKsimum Experience ng Taon.” Mula sa global phenomenon na galing sa South Korea, ang Masked Singer Pilipinas ay isang patok na reality singing competition kung saan naglalaban-laban ang mga masked celebrity contestants sa makukulay at malikhaing costumes habang lihim pa rin ang kanilang tunay na pagkakakilanlan. Ngayong ikatlong season, layunin ng programa na dalhin ang lahat sa panibagong antas — to da MASKED!


Para kay Guido R. Zaballero, President at CEO ng TV5, “The success of our first two seasons proved how much Filipinos love the thrill of Masked Singer Pilipinas. With Season 3, we're bringing the excitement to even greater heights.”

Labing-anim na talentadong singers ang magpapasiklaban suot ang kani-kanilang creative at makukulay na costumes, bawat isa'y may tinatagong tunay na katauhan — ngunit iisa lamang ang mananatiling masked hanggang sa dulo at magiging grand winner ngayong season. Maghanda para sa “MASKsimum Experience ng Taon,” dahil to da MASKED ang hulaan, to da MASKED ang kantahan, at to da MASKED ang kasiyahan!

Ibinahagi naman ni Valerie Del Rosario, President at COO ng STUDIO VIVA at Senior Vice President for Content Creation ng Viva Communications, “Our entire production team poured their hearts into creating the most spectacular season yet. Every performance, every costume, and every clue was crafted to deliver an unforgettable experience.”

Huwag palampasin ang premiere ng Masked Singer Pilipinas Season 3 sa May 17 (Sabado) at May 18 (Linggo) sa ganap na 7:45 PM, sa TV5 at Sari Sari Channel.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form